**
Yesterday i went to two parties.
First was Thea's Sweet Sixteen. hehe saya na nakasama ko ulit yung mga makukulit kong batch mates.
Early bird Award: Webmaster! Aga mo for once! Haha
Hehe. saya kasama nila Por, Kam, Mars and special guest: Angelica!
Ms. Jose Rizal: Kamag-anak ko pala si Jose Rizal, saka may realtion kami dun sa mga Roxas
Wierdo: Haha, national hero in the making ka!
Haha pero I had to leave early because I had to go to another party naman.
**
QC.
Bahay ng aking ninang. Kala ko naman kasi birthday party yun yun pala surprise grad party sa lahat ng kamag-anak at kaibigan na grumaduate.
Nung una wala talaga akong kausap and I just watched TV sa guest room dun sa bahay then may dumating na lalaki dun sa room, siya pala yung Ninong ko. hehe
Ninong M: Oh, nag-iisa ka? Kanina, parang nakakita ka ng multo ha?
Wierdo: Sabi po kasi nila advances birthday party niyo daw po ngayon.
Ninong M: Kailan ba birthday ko?
Wierdo: Sa 28 pa po.
Ninong M: Alam mo naman pala eh. Bakit naniwala ka?
Wierdo: Eh sabi po nila busy ka daw po kaya ngayon daw icecelebrate.
Ninong M: (calls me by the nickname I h8, that is only to be used by family members), sinu naman ang magcecelebrate ng birthday na two weeks in advance?
Wierdo: Sorry po tao lang!
Nakakuha nga ako ng tatlong ninong kahapon eh, Sabi kasi ni Ninong M, na Ninong Mayatot na ang tawag ko hehe. pag-inaanak ng isa inaanak na nilang tatlo. Hehe tama naman kasi mahirap na tawagin na tito yung isa kasi bakit naman yun din yung pangalan niya eh, si Ninong T o Ninong Tanda talaga eh.
Wala kagabi si Ninong J saka wala pa akung tawag sa kanya.
Si Ninong Mayatot lang yung kasama kong nanood ng TV. Pinanood namin yung mga sinaunang TV shows sa Pinas nung mga 1970s pa. Nakakatawa talaga.
Ninong M: Tawa ka diyan ng tawa baka mapautot ka.
Wierdo: Hehe, ang kulit niyo po kasi eh.
Ninong M: Anu ka ba? Wag ka ng mag po. Isipin mo na lang kasing edad lang kita.
Wierdo: Eh kasing age niyo na nga po si Mami eh.
Ninong M: Nag po-po ka ba sa kanya?
Wierdo: Hindi
Ninong M: Yun naman pala eh!
Hehe, nandun kasi siya dun sa pinapanood namin. Nung una aya nga niya ipapanood sa akin kasi ang papanget ng mga itsura nila. Si papa nga naka all white kahit extra lang siya. LOL talaga.
Tapos nung paalis na kami...
Ninong T: Oh, (nickname na ayaw ko) sinu mas favorite mo sa mga bago mong ninong?
Ninong M: Syempre ako yun!
Pa: Daya niyo naman wala. Paano naman si Joey?
Ninong M: Ok lang yun Pits. Wala siya eh, sorry na lang siya.
**
Hehe, saya. Ngayon nga eh sasama ako kay Ninong Mayatot sa QC ulit wala lang.
Actually curious ako kung bakit parang ngayon lang sila nagparamdam. Alam niyo yun ngayon lang nag-care sa inaanak niya or nila.
Tinanung ko parents, avoided the question tapos si Ninong Tanda naman ayaw sagutin di daw siya dapat sumagot nun. Tinanung ko si Ninong Mayatot.
And he said: "Kasi ayaw ng parents mo na pag may financial problem kayo or problem in short, sasabihan mo sila na puntahan na lang si ganito, mayaman naman at kilala at politico, si Tanda yun ha."
In short, ayaw ng parents ko na dumepende sa ibang tao when it comes to their problems, ayaw nila ng short cut sa isang problema. oo nga't may kakilala kang ganito na pwede kang bigyan ng pera o mag- paaral sa anak mo. Ang panget naman nun.
Si sis kasi eh, siya kasi yung ganun, pag may problem sasabihin niya sa akin, mag government na lang daw ako para magka pera kami. What's up with that.
Well, looking forward na ako mamaya! Hehe. sige na alis na ako, laptop lang din naman aksi ng ninong ko yung gamit ko eh, baka mabasa pa niya.
kai-Out!
0 comments:
Post a Comment